Search This Blog

HITS

Saturday, October 13, 2012

Wenn V. Deramas's "This Guy’s in Love with U Mare" (Rebyu): Is This the Highest Grossing Homophobic Comedy?


Nakapagtataka na ang matatalinong tao tulad nila Vice Ganda at ni Toni Gonzaga ay gagawa ng ganitong pelikula. Teka, baka hindi naman nakapagtataka. Sabi nga ng isang matagal nang nagtratrabaho sa industriya ng telebisyon at pelikula, “Sa bandang huli, pera pera lang iyan. Huwag nang magpaka-socially aware.”  Subalit mabibili ba ang intelktwal ng ordinaryong Pilipino? Ganito na tayo kabobo na hindi natin makita ang kaibhan ng tunay na komedya sa harapang kababawan at gawaing maging katawatawa ang mga minoridad sa lipunan?  Wala na akong masabi.  Kung nagandahan kayo sa “Praybeyt Benjamin,” mas magugustuhan ninyo ang “This Guy’s In Love with U Mare”  dahil mas anggat ito kaysa sa nauna. Subalit kung nainsulto kayo sa “Praybeyt Benjamin,” huwag na ninyong pag-aksayahan ng oras at salapi ang bagong pelikula ni direktor Wenn V. Deramas. Manood na lang kayo ng water fountain sa Trinoma habang umiinom ng kape mula sa McDonald’s.


Suma total, wala rin naman silbi ang aking pagsusuri dahil siguradong patok sa takilya muli ito.  Ang dahilan: maraming tagahanga si Vice Ganda. Bakit naman hindi, mahusay siya sa komedya at “witty” na masasabi sa wikang Inggles. Sa kasamaang palad, hindi laging lumalabas ang sinasabi nating “katalinuhan” ni Vice Ganda sa kaniyang ginagawang pelikula.  Hindi si Eugene Domingo si Vice Ganda at nakalulungkot, kasi may potensyal na mas mahigitan ni Vice si Eugene. Pero, masasabi naman natin na “financial genius” si Vice. Ako rin mismo kung malaking halaga ang bayad sa akin para gumawa ng isang makalumang komedya na puno ng homophobia at stereotypes, go na rin ako. Ang akin lang masasabi ay kung nagustahan mo ang pelikulang ito, homophobic ka. Wala namang masama sa pagiging homophobic sapagkat mula pa naman noon, box office hits na ang mga homophobic comedies. Kaya Vice Ganda at direktor Wenn Deramas [sadly, mukhang kasama na sa club si Toni Gonzaga], “start counting your  money because they are rolling in by the truck loads. “ Pasensiyahan na lang sa atin sa LGBT community, tayo na naman ang pinuntirya sa ngalan ng pera. 

0/5
For new film reviews, please visit our new home, Brun Magazine


No comments:

Post a Comment