Search This Blog

HITS

Sunday, August 5, 2012

Chito Roño’s “The Healing” (Rebyu): Gusto Lang Bang Manakot?



*Nai-update Agosto 11, 2012

Isang nakakatakot at nakakalibang na pelikula ang “The Healing” ni Chito Roño, ngunit hindi ito matatawag na groundbreaking tulad ng “The Others” ni Alejandro Amenábar o ng “Ring” ni Hideo Nakata.   Sa mga taong marami nang napanood na horror, mabilis nilang matatanto ang pattern na sinusunod ng pelikula.  Walang masyadong maaasahang twist.  Subalit hindi rin nakakapanghinayang panoorin ang “The Healing.” Sa katunayan ay irerekomenda ko pa nga ito sa lahat. Sa maraming pelikulang Pilipinong horror na pinapalabas kada taon, mas maayos ang direksyon ni Roño.  Bukod duon, hindi makakaila na ang ganitong tema ng horror ang kinagigiliwan ng mga manonood na Pilipino.


Kulay lamang ba? Mula puti, asul, pula, at dilaw. 
Use of Non-Free Media Rationale. Click Here
Subalit ang manakot lang ba ang intensiyon ng pelikula?  Nagkataon lang ba na pare-pareho ang kulay ng mga damit ng mga karakter sa mga ilang eksana? Nagkataon rin ba ang prominenteng paggamit ni Roño ng kulay dilaw, lalong-lalo na sa karakter na ginampanan ni Vilma Santos sa huling banda ng pelikula. Isa lamang bang disenyo ang paggamit ng kulay na ito, mula sa kulay ng damit, kurtina, inumin at pati na rin plastic?  May ilang nakapansin na may “Cory Aquino” look ang karakter ni Santos?  May ibig sabihin ba ito? Isa lamang bang pintuho o homage sa “Himala” ni Ishmael Bernal na Elsa rin ang pangalan ng faith healer?  Bakit kaya ang mga ibang tauhan sa pelikula ay tila ata kumakatawan sa iba’t ibang grupo sa lipunang Pilipino: ang mag-asawa at ang kanilang anak, isang pulis, mga ilang katutubong Pilipino, isang OFW, isang single mother at ang kaniyang anak na may kapansanan, dalawang homosekswal at iba pa. May napansin ba kayo sa paraan nang pagsaksak sa karakter ni Santos? Ang color scheme ay isa lang bang leitmotif?

Marahil kaya sumusobra lang ang aking pagsusuri sa pelikulang ito?  Siguro mas mabuting hindi ko na lang isiwalat ang aking sariling interpretasyon. Mas nakakaaliw ata sa mga manonood kung sila na mismo ang makadiskubre nang nais gustong ipahiwatig ni Roño. Matatalino naman ang mga bagong henerasyon ng mga manonood na Pilipino?  Isa lang tanda bago ako magpaaalam. Bakit kaya nakasuot ng puting shirt na may mapa ng Pilipinas ang  isang maysakit na ginagamot sa umpisa ng pelikula? Suma total, ang interpretasyon ay nasa manonood na. Noong ikadalawampung siglo pa ang konseptong dapat may iisang ibig sabihin ang isang pelikula o nobela.  

Hmm?

P.S. Salamat sa mga nagtama ng mga mali kong pangungusap.

3/5
Dottie Reviews "The Healing"

For new film reviews, please visit our new home, Brun Magazine

No comments:

Post a Comment