Search This Blog

HITS

Saturday, November 5, 2011

Ninakawan Ka Pero Okay Lang Sa Iyo: Nasaan na ang "Freedom of Information Law"


Alam mo ba kung sino sa mga opisyal sa gobyerno ang tila yumayaman habang nakaupo?  Alam mo ba kung ano ang ginagawa ng iyong binotong mayor, konsehal at kongresista? Alam mo ba kung ano ang nangyayari sa buwis na binabawas  sa iyong sweldo kada buwan? Alam mo ba kung gaano kadaming milyong piso ang ginagastos ng gobyerno sa kape at bulaklak at sa iba't ibang opisina ng gobyerno?  Alam mo ba kung gaano kagagara ang mga sasakyang binili ng gobyerno habang nagtyatyaga kang makipagsiksikan at tumayo sa bus? Alam mo ba na sa dami ng buwis na iyong binabayaran, bakit lagi atang kulang ang pera ng gobyerno? Kung gusto mo na patuloy kang ninanakawan at linoloko ng mga opisyal ng gobyerno na iyong pinapasweldo mula sa iyong buwis, huwag mo itong basahin.  Mag Facebook na lang tayo.


Noong 2010, sa huling sesyon ng Kongreso, matagumpay na napatay ng Kongreso sa pamumuno ni House Speaker Prospero Nograles ang Freedom of Information Bill (F.O.I.).  Hindi naipasa ang panukalang batas dahil wala daw korum.  Kulang ang bilang ng mga kongresista para bumoto.  Siyempre, nawala ang mga kongresista, kasi ayaw nila ang batas na ito.  

Ilang araw na lang at matatapos na ang 2011. Asan na ang F.O.I.? Matatapos na ang taon pero mukhang mas-excited pa tayo sa laban ni Pacquiao at sa pagkapanalo ng ating mga beauty queens sa abroad kaysa sa F.O.I.? Maipapasa kaya ang F.O.I. ngayong taon o sa susunod na taon?

Una, hindi natin maasahan na ang mga mismong maapektuhan ng F.O.I. ang magpapasa nito. Parang isang magnanakaw ang tatawag sa pulis pagkatapos niyang magnakaw.  Tayo dapat na mamamyan ang gumawa ng inisyatiba. Kailangang sulatan natin ang ating mga mambabatas at ipaalam na hindi natin sila iboboto kung hindi nila susuportahan ang pagpasa ng F.O.I.

CLICK HERE
Suma total, kasalanan rin natin kung ayaw nating gumalaw.  Kung mahilig tayong bumoto ng magnanakaw, siguro dapat nga tayong nakawan.  Teka, laro muna ako ng Angry bird. Kaya ko lang naman isunalt ito para dumami ang hits ko sa blog at kunyari may "social value" ang aking blog at feeling sikat.  Tutal, nakawan lang dito sa Pinas, at marami-rami naman din akong naisahan dito sa bansa. Sorry na lang sila, engot kasi. Ha ha ha ha.

P.S.
Panoorin ang dokumentado tungkol sa F.O.I. na ginawa ng GMA News

Report naman ni Winnie Monsod sa QNews (Ang video clip ay pag-aari ng GMA News)




Para sulatan ang inyong kongresista, narito ang listahan ng iyong representante sa inyong distrito. Click here.


Additional Information. Click Here

Mga Post na Baka Interesante sa Iyo:
1. Sampaguita Hunks
2. Miss Gayweather, Gay Chimpanzee Pretty Girl 
3. Ayaw Maghubad ni P'Noy? May Tinatago?



No comments:

Post a Comment