Search This Blog

Loading...

HITS

Saturday, August 6, 2011

Marlon Rivera's "Ang Babae sa Septic Tank" (Rebyu): "Ang Babae," the New and Hip Coffeeshop Filipino Intellectuals, and those Collogs

Use of Non-Free Media Rationale
Click Here

Dumating na ata tayo sa punto kung saan ang mismong kahirapan ng Pilipinas ay ang pangunahing produkto.  Lalong-lalo na sa larangan ng pelikula. Magandang tema ang paghihikahos ng Pilipino. Kung gusto mong maturing na mahusay na alagad ng sining, gumawa ka ng pelikulang naglalantad ng paghihikahos at hindi makataong paghihirap ng kapwa nating Pilipino. Kahit sobrang hubad at lantad na ang karukhaan nating mga Pinoy, sa kamay nang malikhaing manunulat at direktor, magiging kagulat-gulat pa rin ang ating paghihikahos. Winner na winner! Edgy na edgy ang Philippine Poverty.
 
Una, garantisadong matatawag na likha ng sining ang iyong pelikula. Ikalawa, malaki ang pagkakataon na mananalo ka ng gantimpala, hindi lamang sa ating bansa kundi pati sa ibang parte ng mundo.  Bilang aktor or aktres, ang pagganap sa isang seryosong “independent film” ay isang pagpapahiwatig sa industriya na ikaw ay magaling umarte at hindi lamang salapi ang habol.  Magiging ka-level mo na si Cherrie Pie Picache, Irma Adlawan, Jacklyn Jose at Che Ramos.  Hindi ka na lang basta basta "Bench Underwear Model/TV actor."


Iyan ang pinupunto ng “Ang Babae sa Septic Tank.” [Complete with English subtitles] Pelikula ni Marlon Rivera, sa panulat ni Chris Martinez at tinatampok ang kagiliw-giliw na si Binibining Eugene Domingo.  Matuturi mong Pinoy na Pinoy ang pelikulang ito.  Ang katatawanan ay naako sa panlasang Pinoy ngunit hindi naman sing-baba sa antas ng pagpapatawa nila Tito, Vic and Joey at hindi rin ganoong ka-komersyal na gaya ng mga pagpapatawa nila Michael V at Ogie Alcasid.  Mas importante, hindi ito ganun ka pretensyoso at pilit tulad ng mga komedya ni Ai Ai De Las Alas at ang mga taunang komedyang pinapalabas ng Star Cinema. 

“Ang Babae sa Septic Tank” ay isang mapanuyang pagbabatikos sa industriya ng pelikulang Pilipino, lalong lalo na sa kasalukuyang mundo ng “independent cinema.”  May natamaan kaya? Siguro dahil ang mga ibang direktor na gumagawa ng mga pelikulang sumasalamin sa kahirapan ay hindi mismo nanggaling sa kahirapan. Ilan kaya sa ating mga batikang “award winning internationally acclaimed directors” ang talagang lumaki sa squatter area; lumaking gutom, salat sa pera, nag-aral sa public iskul, lumulusong sa baha, nakakatapak ng tae at palagiang nakakalanghap ng amoy ng basura.  Kung talagang laki ka sa hirap, makikita sa iyong likha ang dangal ng mga mahihirap, kahit nakatago ito sa dumi at gutom na pagmumukha.  Tao ang tingin mo sa kanila, hindi isang paksa. 

Magkakaroroon pa kaya ang industriya ng bagong Lino Brocka?  Ang isang tulad ni Lino Brocka na laki mismo sa kahirapan ang tanging makakaintindi ng tamang pagsasapelikula ng kahirapan sa bansa.  Ang kaibahan kay Lino Brocka, gumawa siya ng pelikula para sa mga Pilipino, hindi para sa mga Pranses, Italiyano o mga Aleman.  Kung ang mismong direktor, prodyuser, at manunulat ay kadalasang tambay ng Starbucks at Coffee Bean and Tea Leaf, mukhang mananatiling tema lamang ang kahirapan, tulad lamang ng isang “trip.” Pa-picture picture malapit sa basura para ipakita sa mga kaibigan, i-post sa Facebook, at isiwalat sa Twitter. Ngunit walang talagang malalim na pagkaunawa sa realidad ng kahirapan.  Magkakaroon pa ba tayo ng bagong “Maynila sa Kuko ng Liwanag,” “Insiang” “Jaguar” o kahit “Tuhog” ni Jeffrey Jeturian.  Ngunit iba na rin kasi ang klima ng industriya, mahirap nang gumawa ng pelikulang makikipagsabayan sa "Harry Potter" o "Transformers" kung kayat  mismong ang mga gantimpala sa "prestigious festival" ang habol ng mga bagong Pinoy filmmaker para mapansin sa mismo niyang bansa. 

Pinanood ko “Ang Babae sa Septic Tank” dahil kay Eugene Domingo.  Iyon ang unang dahilan.  Sa una, medyo nakakainis ang mga anunsyong nanalo ang pelikula ng sandamukal na gantimpala sa huling Cinemalaya Film Festival. Pero, ang mga nakuhang awards ay isang parte ng pelikula. Isang "bonus joke" ika nga, kung "gets" mo ang punto.  Mahirap hindi mahalin ang pelikulang ito. Siguro dahil may talas ang mga pagbibiro pero sinsaksak lamang tayo sa likod at hindi harapan.  Pinoy na pinoy. Para bang kinutkutya ka pero nakikisalo ka rin sa tawanan.  Nakatulong rin ang mahusay na pagganap ni Eugene Domingo, isang pagganap na tumatawid sa lubid ng katotohanan at katatawanan.  Kahit mismong si Bb. Domingo ay kinutya ang sarili.

Maari kong suriin ang bawat senaryo at simbolismo, lantad man o patago, na makikita sa “Ang Babae sa Septic Tank.”  Subalit, kung gagawin ko ito, ako mismo ang magtaktaksil sa ibig ipahiwatig ng pelikula.  Suma total, marunong naman mag-isip tayong mga Pilipno, at kung hindi man, siguro panahon na. Kung gagastos ka lang naman para manood ng “Captain America,” “Ang Babae sa Septic Tank” na lang ang panuruin mo.  Mas sosyal ang manuod ng “Babae..” Tutal, karamihan naman ng katabi ko sa sinehan ay nag-i-inglisan at pagkatapos, usap usap sa Starbucks. Ma fe-feel mo rin na you belong to the “New and Hip Coffee Shop Filipino Intellectuals.”  Leave “Captain America” to the collogs or “college graduate jologs.”  Watching the new local “art” flick is the new “pang-mata.”

SCENE (Night): Starbucks

Customer 1: “One green tea soy latte please, venti. The movie was nakakatawa, di ba?”

Customer 2: “Eugene Domingo is such a devoted thespian, especially in the last scene. I’d like to see Meryl Streep do that.”

Customer 3: "Captain America was awesome, pare."
Custonmer 4: "Oo nga, can't wait for the 'Avengers' next year.

Customer 1: "Did you hear that, Captain America ang pinanood nila."
Customer 2: "Yes, ang babaw, how collogs."

4/5

______________________________

P.S. May mali ba sa aking Pilipino.  Dahil "miseducated" ako, mas sinanay magsulat ng Ingles.  Masasanay din magsulat sa Pilipino basta ensayo lang ng ensayo. 

________________________________

"Angela, The Bading Assassin, A Musical."
"Sing, Dance, Kill"
Judging from the moviegoers’ uproarious laughter for the musical numbers in “Ang Babae sa Septic Tank,” there is a big market for musicals set in the slums of Metro Manila [pretentious and self-serving it may be]. The musical number in “Ang Babae sa Septic Tank” reminds me of an unfinished independent film entitled “Angela, the Bading Assassin, A Musical.” Like “Ang Babae sa Septic Tank,” “Angela” was also a Cinemalaya entry, except “Angela” was never finished. 

Click here to continue reading



NOTABLE FILM ESSAYS

No comments:

Post a Comment